Pagmulat ko ng mata ko ay may nakita akong mga taong nakatunghay sa amin. Akala ko ay nanaginip lang ako kaya pinikit ko ulit ang mata ko at mas lalong nagsusumiksik kay Lucas. Pero agad din ako napabalikwas ng bangon nang mapagtanto na ang Mama ko ang isa sa nakatunghay. Hindi panaginip ang lahat! Si Mama nga! Katabi niya si Don Leandro at nasa likuran nila si Angel at Samantha. At ang ibang nandito ay mga katutubo na. Ano ang ginagawa nila dito? Pano nila kami natunton? Bago pa man mabigyan ng kasagutan ang mga tanong ko ay napalahaw na ako ng iyak na yumakap sa aking ina. Safe na ako! Kami ni Lucas! Iba talaga ang maibibigay na sense of security ng isang ina. Yakap pa lang niya ay napanatag na ako. Umiiyak rin ang Mama ko. "Ano ang nangyari? Ok ka lang ba, anak?" In-inspeksyon niya