Malabo yatang makatakas kami ni Lucas. Paano ba naman kasi gising pa ang mga rebelde kahit malalim na ang gabi. May naririnig pa kaming kaluskos at yabag sa paligid. May tuka yata sila kung sino dapat ang gising sa gabi. Ilang beses na akong napahikab. Anytime pipikit na talaga ang mata ko. Gusto ko sanang i-postponed na lang ang plano namin na pagtakas pero desido na talaga si Lucas na ngayon na isagawa ang lahat. Sa totoo lang, puno ng takot ang dibdib ko dahil buhay namin ang nakasalalay dito. Paano na lang kapag nahuli kami? Pero nawawala ko ang takot ko sa assurance sa'kin ni Lucas na hindi niya ako pababayaan kahit ano man ang mangari. Hindi ko na rin talaga maiwasan mag-isip na may gusto siya sa'kin. Ramdam ko iyan sa haplos at titig niya sa'kin kanina sa batis. Pero may kung ano