Suot ang duster ay lumabas ako sa maliit na kamalig na nagsilbing bahay namin ni Lucas. Pumunta ako sa mga nag-uumpukang kababaehan na naglilinis ng mga mataas na baril habang nag-uusap. Soon, magiging kabilang na nila ako, tuturuan din ako kung paano humawak ng baril at umasinta. Tuturuan ako makipaglaban. Magiging kaanib na nila talaga kami ni Lucas kapag hindi kami nakaalis sa isla na ito. Sabi ni Lucas ay mamayang gabi na namin gagawin ang planong pagtakas. Sa dalawang gabi na pananatili namin dito ay alam na namin kung paano makakatakas. Walang ibang daan para makalabas sa lugar na ito kundi ang dumaan ulit sa kuweba. May mga sekretong lagusan pala doon. Isa, papunta sa tagong bahagi na ito ng isla. At iyong isa pa ay pupunta naman sa dagat kung saan nakadaong ang bangka ng mga rebe