"Asawa po." Napamulagat ako sa sagot na iyan ni Lucas sa tanong kung magka-ano-ano kami ng isa sa mga rebelde. Maang akong tumitig sa kanya at tinitigan naman niya ako na tila may ibig ipahiwatig kaya kaagad ko naman nakuha kung para saan ang pagsisinugaling niya. Mukha kasing kursunada ako ng taong nagtanong. Malagkit kung tumingin sa akin. At lantaran talaga ang pagtingin sa legs kong mas lalong nalantad dahil napunit ang bahagi ng short ko sa gilid. Tatlong oras lang marahil ang nakalipas ay muli na naman silang binalikan ni Ka Ponyang at ng mga Rebelde. Marami silang tinatanong sa amin ni Lucas. "Opo! Mag asawa po kami," sabi ko. Hinila ko si Lucas. "Halika dito, bebe. Ouch! Ang sakit ng katawan ko, bebe." Pilit na pilit ang ngiti ni Lucas. Tila gusto akong batukan. Mukha kasing h