(AMELIE) Grounded ako dahil sa nangyari at two days na rin akong absent. Ayaw akong papasukin sa school ng asawa ko dahil nga sa mga pasa at kalmot ko sa katawan. Nakarating kay Mama at Don Leandro ang nangyari at abot-abot na sermon ang inabot ko. Suportado nila ang desisyon ni Lucas na grounded ako for one week. Two days na rin absent sa opisina niya si Lucas. Binantayan niya ako. Baka kasi kung ano naman raw ang magawa kong kalokohan. Pati cellphone ko nga kinuha. Bawal rin ako gumamit ng computer o laptop. Any modes of communication ay binawalan ako. Ayaw akong pa-kontakin sa mga kaibigan ko. Sinabi ko na nga sa kanya na walang kasalanan ang mga Bunnies, ako ang nagyaya sa kanila na uminom. Mas mabuti raw para wala ng leader ang grupo namin. Hindi ko na ikinuwento sa kanya kung ano