(LUCAS) "Let her in." Nasa intercom ang sekretarya ko. Pinapaalam sa akin na nasa labas si Danna gusto raw ako makausap. Busy ako. Marami akong haharapin na papeles pero gusto ko na rin sunggaban ang pagkakataon na ito para kausapin siya tungkol sa gusto niyang mangyari. No. Hindi na pwede ang gusto niya na magkabalikan kami. May asawa na ako. Walang duda, mahal ko na si Amelie. Ayaw ko siyang masaktan. Alam ko na hindi lang isinasatinig ng asawa ko ang nararamdaman niya ngunit batid kong nagseselos na siya at nagdududa. Napapansin ko na sa tuwing tutunog ang cellphone ay umiiba ang timpla ng mood niya. Lagi ko rin siyang hinuhuli na tinitingnan ang cellphone ko pero hindi niya ma-access dahil nga may passcode. Kaninang umaga ay tinanggal ko ang passcode ng cellphone ko. At sinadya kon