Alas-singko pa lang ng madaling araw pero gising na ako. Gusto ko kasi na ako ang magaluto ng breakfast. Pagsisilbihan ko ang masungit na kamahalan. Ipagluluto ko siya ng masarap na itlog. Wala dalawang oras lang yata ang tulog ko. Iniiisip ko ang nangyari kagabi. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang daliri niya sa balat ko at ang sensasyong dulot no'n. Alam kong ganoon din ang nararamdaman ni Lucas. Ibig bang sabihin may gusto rin siya sa'kin? O lalake lang siya na naakit sa alindog ko? Pero hindi e, kahit ako sa sarili ko ay aminado na hindi seductive ang anyo ko kagabi dahil nagmukha akong younger version ni Madam Auring. Napagkamalan pa nga akong bakla. So, bakit ganoon ang reaksiyon ni Lucas? Nakita ko kaya ang paglunok niya at pagpipigil na halikan ako. "So, may gusto nga siya