Hindi ko alam kung paano ko i-approach si Lucas. Magpapaalam sana ako sa kanya. Nagkakayayaan kasi kaming magkakaibigan na magnight out. Iyong papasok kami sa isang sosyal na bar. Iinom, Boy hunting. Magbabakasakaling makabingwit ng excutive. Noon pa man kasi iyon na ang plano namin na hindi matupad-tupad. Kulang sa budget. Baka sa presyo pa lang ng drinks katumbas na ng isang kidney namin. At dahil prinsesa na ako, oo na ako na ang taya maisakatuparan lang ang matagal na namin na minimithi. Ayaw ko naman abusuhin ang mga binigay ni Don Leandro, hangga't maaari nga ay ayaw kong galawin ang ATM na bigay niya sa'kin. Pero gusto ko lang din talaga maranasan ang matagal ng pumupukaw sa curiosity ko. Iyong napanood ko sa mga movie na wild ang sexy na babae na nagsasayaw sa dance floor. Sosyal