Napataas ng tingin mula sa pagbabasa ng papaeles si Lucas nang marinig ang tikhim ko. Nangunot ang noo niya. Tila nagtatanong kung ano ang sadya ko. Gusto ko siyang kausapin kaugnay nga sa kapatid niyang lukaret na nagpapakabaliw sa adik na boyfriend. Oo, magsusumbong ako. Higit kanino, siya lang at si Don Leandro ang makaka-disiplina kay Angel. Para maputol na rin ang sungay. Napaka-maldita. Abot-abot na nga ang pagpipigil ko sa sarili kong patulan ang lukaret na maldita. Hindi rin kasi akong likas na mabait. Lumalaban ako. Hindi ako nagpapadehado. Hindi ako tulad ni Marimar na pinakain na ng putik at lahat-lahat ay umiyak lang. Kung ako kasi kalagayan niya, aba! Nakipagsabunutan na ako kay Senyora Santibanez. Well, anyway bakit nga ba sa telenovela nauwi ang iniisip ko? So ayun nga, a