Chapter Nine

1654 Words

"Welcome sa aking kaharian mga alipin!" sabi ko pagkabukas ng dalawang katulong sa grand door. Iminuestra ko sa mga kaibigan ko ang living room. Agad naman na nagpaligsahan sa pagpasok ang mga kaibigan ko. Nagtulakan pa. Hindi na nila ako pinansin. Kung ano ang reaksyon ko noong unang araw na pagtapak ko sa mansyon ko ay ganoon din ang reaksyon nila. Literal na nakanganga. Manghang-mangha. Namimilog ang mga mata. Pero nang makabawi mula sa pagkamangha ay sabay silang tatlong bumaling sa'kin sabay sabi rin ng; "Nasaan si Lucas?" Noong inimbitahan ko sila na pumunta dito sa mansyon ay wala na silang bukam-bibig kundi ang excitement na makita ang binata. Ayaw sana niyang pagpira-pirasuhin ang kaligayan nila. Pero wala si Lucas. Nasa kompanya niya. At saka naramdaman kong iniiwasan niya ak

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD