(AMELIE) Kanina ko pa hindi kinikibo si Lucas, hanggang ngayon kasi ay masama pa rin ang loob ko pagsigaw niya sa akin kagabi. Infairness, ngayon bumawi siya. Siya ang nagluto ng almusal. Toasted egg and bacon nga lang pero masarap pa rin sa panlasa ko. Siguro nga sobrang mahal ko ang asawa ko na kahit mapait ay nagiging masarap sa panlasa ko. Binigay niya na rin sa akin ang cellphhoe ko. Malaya na rin akong makakagamit ng laptop ko. Kaya ngayon nagpapanggap ako na busy sa pagkalikot ng cellphone ko pero ang totoo niyan ay kanina ko pa siya lihim na sinusulyapan. Sa hitsura niya kasi daig pa niya ang natalo ng malaking halaga sa Casino. Ano kaya ang rason? Dahil kaya nag-aalala siya kay Danna? O dahil hindi ko siya kinikibo? Nagising ako kanina sa masusuyong halik. Nabigla ako dahil