(AMELIE) Hindi na natuloy ang pagpapahula ko. Paano ba naman kasi mas nauna pang dumating ang asawa ko kesa sa manghuhula at kay Clarita. Back to normal na ang lahat. Siyempre two weeks na ang nakakaraan. Wala na rin pwedeng ma-alibi si Danna. Hindi na kapani-paniwala kung hindi p gumagaling ang allergy niya. Higit sa lahat ay bumalik na rin sa normal ang buhok ko. Straight na ulit. Nadala na ako. Dapat na talaga ako makuntento kung ano ang mayroon ako. Ngayon ko na balak na magpahula. Hindi pwede na hindi ko malaman kung ano ang tunay na namamagitan sa asawa ko at kay Danna. Malay ko ba kung nagkabalikan na sila at naghahanap lang ng tamang timing si Lucas para makipag-hiwalay sa akin. I need to know kahit masakit. Mas mabuti ng handa ako. Hindi pwede na share kami ni Danna sa asawa ko