PAGKATAPOS kong magbihis ay lumabas na ako sa banyo ni Thunder. Naabutan ko siyang nakaupo sa kama at tila hinihintay ako. He’s already wearing his jeans but still not wearing any top. “Let’s eat?” tumango ako sa tanong niya at agad na lumapit sa kanya. “Something?” ngumisi siya at umiling. “Baka maubos na kita. Magtitira ako para mamayang gabi.” Humalakhak ako at kinuha ang kulay abo niyang tee shirt na nasa lapag. “Magbihis ka na, nagugutom na ako.” Kinuha naman niya ito mula sa kamay ko at agad na sinuot. Pagkatapos ay tumayo na siya at hinawakan ang kamay ko para sabay na kaming bumaba. Naabutan namin si Tita Rainy sa kusina na inaayos na ang pagkain sa mesa. Nang makita niya kami ay agad siyang ngumiti. “Umupo na kayo.” And we did as we were told. Tita cooked three kind of dis

