TINAASAN ko siya ng kilay kaya agad na kumunot ang noo niya at pinagmasdan ako ng may halong pagtataka. “Is there a problem?” sarkastiko akong ngumisi. Hindi ko pinansin ang babaeng kausap niya na ngayon ay matamang nakatingin sa aming dalawa ni Thunder. “Wala naman. Nag-alala lang kasi ako sa ‘yo kaya nandito ako. Paano ba naman kasi ay anim na oras ka nang hindi nagpaparamdam kaya akala ko ay hindi ka na humihinga.” Pati ako ay nagulat sa sinabi ko. Pinagmasdan ko si Thunder na nahihiyang tumingin sa babae na ngayon na halata rin sa mukha ang gulat. “I didn’t know that you’re into clingy woman, Mr. Del Valle.” Ngumiti ng nakakaloko ang babae kaya agad ko siyang hinarap at tinaasan ng kilay. “I didn’t know that your parents didn’t teach you the right manners. Miss, you shouldn’t talk