Kimberly Marquez SA PAGLIPAS ng mga araw, sunod-sunod ang practice nina Jenny at Seven sa kanilang modeling. Sa pagkakataong ito, hindi naman na ako nakaramdam ng kahit anong selos sa kanya dahil naiintindihan kong trabaho lang ang kanilang ginagawa. Kung ano man ang makita ko sa stage, alam kong nakalagay iyon sa script. Dahil malapit na ang fundraising na sinagawa ng fashion club, isang trial ang ginanap nila upang malaman kung bebenta talaga ang gagawin nila. Isang free fashion show ang ginawa nila sa open ground ng school. Doon sila nag-trial. Maraming upuan ang nakapaligid sa open ground area na malapit sa soccer field. Ngunit nang dumating na ang oras ng fashion show, ang lahat ay lahat ay nakaramdam ng lungkot nang makitang kaunti lang ang pumunta at nagkaroon ng interest dito,