Kimberly Marquez "TANDAAN mo, kahit anong mangyari 'wag kang papayag sa gusto ng Mark na 'yon. Uto-uto ka pa naman at mabilis maawa," wika ni Seven sa 'kin. Hindi ko alam kung concern o nilalait niya ako. Paulit-ulit na niya ring sinabi sa 'kin ang bagay na ito at wala akong makitang mali kung pumayag man ako sa gusto ni Mark. Besides, para naman ito sa fund raising. "Seven, alam mo kasi, may point din naman si Mark. Malay mo magkaroon ng maraming fund kapag nagsanib ang tandem nyo," paliwanag ko sa kanya gamit ang malumanay kong tinig. Tumaas ang aking balahibo nang isang matalas na tingin ang ibato nito sa akin. "Sinasabi ko na nga ba. Iyang kabaitan mo ang maglalapit sa 'yo sa gulo," aniya na may halong inis sa akin. "Ano ba kasing problema at ganyang ka mag-react sa lalaking iyon