Kimberly Marquez HINDI ko na mabilang kung gaano na karami ang buntonghininga na ginawa ni Seven habang nakaupo sa kama. Kasalukuyan kaming nasa aking silid dito sa bahay at pumasok siya sa aking kwarto upang makausap ako. Ang totoo, ako dapat ang unang kumausap sa kanya dahil ako ang may nagawa, ngunit hindi ko alam kung bakit nahihiya akong lumapit kay Seven, tila may nagawa akong malaking kasalanan dahilan upang mahiya ako nang ganito. "'Wag mo nang isipin 'yong nangyari kanina. Alam kong part ng script 'yon at hindi maiiwasan." Napayuko ako nang banggitin ni Seven ang bagay na nangyari kanina habang kami ay rumarampa sa entablado. Tama nga ako, pareho kami ng bagay na iniisip. Ngunit alam kong alam niyang optional lang ang action na iyon, pero ginawa ko pa rin, kaya siguro ganito k