Kimberly Marquez ILANG beses na akong nagpaikot-ikot sa maliit na stockroom na kinaroroonan namin, wala pa rin akong makitang maari naming gamitin upang buksan ang pinto, tanging mga stocks na hindi ko alam kung ano ang mga nakalagay sa pedestal cabinet na nandito sa loob. Ang lahat ay nakakahon at maliit na ilaw lang ang nagsisilbing liwanag sa loob. Muli akong lumapit sa pinto at pinihit ang doorknob. "May tao ba diyan?! Na-stock kami rito sa loob! Tulong!" sunod-sunod kong sigaw mula sa loob ngunit tila wala namang nakakarinig sa akin. Halos nawawalan na rin akonng boses kasisigaw sa labas pero tanging mga nagvi-videoke lang ang naririnig ko at mukhang hindi talaga nila ako maririnig dahil maingay sa kinaroroonan nila. "Tigilan mo na nga ang kasisigaw, sumasakit ang tainga ko sa 'y