Kimberly Marquez PILIT kong ningingiti ang mga labi habang nakatingin sa dalawang matanda na nasa aming harapan. Kasalukuyan silang magkalapit na nakaupo sa isang sofa at diretsong nakatingin sa amin ni Seven habang may kunot na noo. Ang lola ni Seven ay napakaganda, kahit halata sa kanyang mukha ang katandaan, masasabi kong maganda siya noong kabataan. Ganoon din naman sa kanyang lolo. "Ikaw pala ang pinagmamalaki na daughter in law ng anak naming si Martha?" panimulang wika ng lolo ni Seven. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa saka bumalik ng tingin sa aking mukha. Kasalukuyang nakaupo kami ni Seven sa katapat na sofa ng habang sa pagitan ay isang lamesa. Hawak ni Seven ang aking kamay habang Naka-intertwined ang mga daliri. Ngunit dahil sa panimulang wika ng lolo niya, mariin