Kimberly Marquez PAREHO naming narinig ang pagbukas ng screen door ng bahay at bumungad sa amin ang malaking ngiti ni tita habang hawak niya ang mga pinamiling gamit. "We're back!" wika ni tita sa pagpasok niya ng bahay. "Good. Mag-aayos na ko sa labas," pagpapaalam ni Seven. Agad na tumayo si Seven at lumabas ng pinto, saka inayos ang mga kakailanganin para sa bonfire. "Kumusta ka na, Kim?" tanong ni mommy nang makalapit siya sa sa 'king kinaroroonan. "Okay naman, ma. Mas mabuti na ngayon ang pakiramdsm ko," tugon ko saka ngumiti. Nais ko mang tumulong sa kanila sa pag-aayos hindi ko magawa dahil hindi ko pa rin maigalaw ang aking paa. Maya-maya lang, gumising na rin ang lolo at lola ni Seven saka tumingin sa 'kin. "Ayos ka na ba, hija? Pasensya ka na at mukhang dahil sa 'kin nag