Kimberly Marquez NABALUTAN ng kilig at bulungan ang paligin. Kasalukuyan akong nakapalumbaba sa aking lamesa habang diretsong nakatingin sa aming guro at sa lalaking nakatayo sa kanyang tabi. Ang mga classmates ko naman, hindi maitago ang kilig at paghanga sa lalaking ito – si Mark. Tulad ng sinabi noon ni Mark, lumipat nga siya sa school namin at sa anong dahilan? Hindi ko alam. "Okay, class. He will be your new classmate," pagpapakilala ng aming guro sa lalaking ito. "Hello, everyone. I'm Mark Chester Hizon, 19 years of age and certified single," saad ni Mark sabay sa kanyang pagkindat. Napangiwi naman ako dahil sa kanyang ginawa. Ang mga classmates ko naman ay halos hindi mapigilan ang kilig sa kanilang sarili at nagtitili pa. "Let me see kung saan ka pwedeng umupo," wika ng amin