Kimberly Marquez ILANG DETAILS pa ang nilagay ko sa design na pinagkakaabalahan ko ngayon sa aking computer. May naka-assign kasing artist sa akin na gagawan ko ng damit at kailangan ko siyang ma-impress. Sa ngayon ay nag-eenjoy na ako sa ginagawa ko at sa tuwing pumapasok ako sa trabaho, nakangiti ang aking mga labi. Maya-maya lang, isang empleyado ang lumapit sa akin at nalimutan ko na naman ang kanyang pangalan. Hindi na siguro mawawala sa akin ang hirap ng pagme-memorize sa pangalan. "Kim, 'di ba may boyfriend ka?" tanong niya sa 'kin na hindi ko alam kung saan nanggaling. Tumango naman ako saka ngumiti. "Oo. Bakit mo naitanong?" tugon ko. "Wala lang. I was wondering kung anong hitsura ng boyfriend mo. Parang hindi pa kasi namin nakikita," sunod-sunod niyang sabi. Kumunot ang a