Kimberly Marquez PAKIRAMDAM ko lahat ay nagbago simula nang bumalik ang aking alaala. Tila pinanganak akong muli upang mabago ang aking sarili at hindi na sarilinin ang lahat ng problema, na hindi ko dapat pinipilit labanan ang lahat nang mag-isa dahil alam kong may mga tao akong masasandalan sa oras ng mga pangangailangan. Hindi man maihahalintulad ang kuwento ko sa buhay ng paborito kong childrens book, masaya pa rin ako dahil may ibang parte sa kuwento ang tila naranasan ko. Tulad ni Snow white, nakilala ko si Seven sa pamamagitan ng mansanas. Hindi man maganda ang unang araw ng aming pagkikita, maganda naman ang naging wakas ng aming istorya. Tulad ni Snow white, isang halik ang nagpagising sa aking isip upang tuluyang maalala ang lahat ng nakaraan. At tulad niya, nalaman ko kung s