Seven Hunk Perez KASAMA si Kim, umuwi kami ng Manila upang muling bumuo ng bagong alaala. Masaya ako dahil pinili niyang magtiwala sa akin kahit na walang kasiguraduhan na totoo ang mga bagay na sinabi ko. Pinili niyang pagkatiwalaan ang gaya ko kahit na hindi maganda ang unang araw ng aming pagkikita. Kasalukuyang binabaybay namin ang dagat patungo sa kabilang isla kung saan kami sasakay ng bus patungong airport. Lihim akong tumingin sa direksyon ni Kim na ngayon ay tahimik na nakaupo sa aking tabi. Hindi ko alam kung bakit ngunit tila otomatikong gumalaw ang aking kamay upang hawakan ang kamay niya, dahilan upang mapatingin sa akin si Kim. Imbis na alisin ko ang kamay na iyon, nagbigay ako ng isang matamis na ngiti sa kanya. At hindi ko inaasahang magbibigay rin siya ng ngiti sa akin