Seven Hunk Perez TULALA ang aking mga mata habang nakatingin sa kinaroroonan ni Kim. Kasalukuyan siyang naglalakad palapit sa akin, dahilan upang muli akong mabighani sa kanyang ganda. Hindi ko alam kung sinadya niya bang magbihis ng ganitong kasuotan. nakasuot kasi siya ngayon ng floral dress na talaga namang bumagay sa kanyang kutis na ngayon ay tuluyan nang naging kayumanggi. Kahit late na siya sa oras ng napag-usapan, buong puso ko pa rin siyang tatanggapin at kauusapin. "Sorry, ngayon lang ako dumating. Matagal ko kasing pinag-isipan kung pupunta ba ako o hindi. Maging sila nanay ay ngayon lang din ako binigyan ng permiso," sunod-sunod na paliwanag ni Kim. "Okay lang, Kim. Kahit gaano pa katagal, handa akong maghintay sa 'yo," tugon ko sa kanya. Hindi naman siya nagpakita ng pag