Kabanata 31 "Kumakain ka ba nang gulay?" tanong niya ng nasa lamesa na kami. Yung mama naman niya yung nag aasikaso ng pagkain. Tutulungan nga sana namin siya kaso nagalit at sinabi na bisita daw ako kaya siya na lang daw. Nakapag bihis na rin siya ng pangbahay. Isang simpleng gray na t-shirt lang at malambot na short. Na-stress ako. Kailangan ba pag nakapangbahay, hot pa din? Napanguso ako. Tumango ako. "Basta huwag lang okra." Kumunot ang noo niya. "Bakit naman? Masarap ang okra." "Hindi ako nasasarapan.." sabi ko. Nilingon ko siya at nakitang kakaiba ang titig sa akin. "Saan ka hindi nasasarapan?" tanong niya. Nanlaki ang mata ko. Hinampas ko siya ng malakas. "Ang bastos mo talaga!" "Ano bang sinasabi mo?" aniya at hinagod yung braso niyang hinampas hampas ko. Kahit pa malak