Kabanata 32 "Anong oras ka nakauwi?" tanong ni Virgie sa akin habang nag aalmusal kami. Napansin ko pa nga na medyo antok antok pa yung mata niya. Puyat ata. "Mga alas otso na.." sagot ko at nag sandok ulit ng kanin. "Bakit ka ba ginabi? Saan ka nag punta?" "Sinamahan ko lang yung kaibigan ko .." Hindi ko na sinubukan pa na dugtungan ang sinabi ko dahil nasa harapan ko lang si Ila. Alam ko na may iniisip na naman siya..at baka magtanong pa. Hindi ko na alam isasagot ko dahil baka magisa pa ako. Kagabi nga pagdating ko ay halos magtago na ako sa kumot para lang makaiwas kay Ila. Sila'ng dalawa ni Oli, ang nagbukas sa akin nang pinto. Talagang hinintay nila ko na makauwi. Kinumusta ako ni Oli, pero si Ila, ay halos sabunutan na ako gamit yung mata niya. Hindi ko alam kung bakit ako