Kabanata 44 "Hayaan mo na, huwag mo na lang pansinin." sabi ni Tilde sa akin. Nandito kami ngayon sa may higaan namin, handa ng matulog kaso naikwento ko sa kanya yung nangyari kanina sa kay Lili. "Yun naman ginagawa ko, ayaw ko na kasi ng away.. Siguro kung dati ganyanin niya ako, ay nako! Baka nag sapakan na kami dito." "Chippy tumigil ka. Basta huwag mo na lang pansinin, titigil din 'yan." "Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit siya galit? Wala naman akong ginawa sa kanya, ni hindi nga kami nag kakausap nun." Tinawanan niya ako. "May ideya ako," Kumunot ang noo ko. "Ano naman 'yon?" tanong ko. Dahil sa totoo lang wala akong ideya. "Si Pepe." aniya. "Si pepe? Anong kinalaman niya?" "Matagal ng may gusto si Lili kay pepe, at kung hindi ako nag kakamali.. Nakita niya kay