Kabanata 43 "Saan ka ba galing? Kanina pa kita hinahanap, oras na para sa meryenda! " Salubong sa akin ni Mona ng makita niya ako. Nakapa meywang pa siya. Imbes na kabahan ay natawa na lang ko sa boses at tono niya. Ang galing kasi, kaya niyang gayahin ang tono ng babae. "Bakit ka natatawa diyan?" Umiling. "Wala. Relax ka nga lang, Mona. Masyado kang galit." "Aba syempre! Magagalit si Aling Yunis sa atin pag nag kataon! Hala sige, dalhin mo na 'yan sa may hardin. Doon daw gusto kumain ng mahal na prinsesa. At pag napansin mo si tilde at Lili, papuntahin mo dito dahil kailangan din sila." ani nito at binigay na sa akin yung cart na amy food. Habang naglalakad sa makintab na pasilyo ng palasyo ay biglang may bumalik sa alaala ko, bigla kong naalala si Artemio. Artemio Villanuevo, tap