Kabanata 41 "Mona.. gusto ko na umalis dito, dun na lang ako sa bahay pwede?" Kulit ko kay Mona isang umaga. Hindi ko din alam.. Nawawalan na kasi talaga ako ng gana sa lahat ng bagay e, nanghihina na ako.. tingin ko hindi ko na kaya pang mag patuloy. "Bakit naman? May nararamdaman ka na naman ba?" tanong niya. At sabay hinalo ang niluluto niya. Umiling ako. "Diba sinabi ko naman na sayo yung totoo? hindi nga ako taga rito, galing ako sa 2019!" Naningkit ang mata niya. "Pwede ba? Tumigil ka, Chippy? Ikaw ang hahaluin ko, makita mo! Maraming trabaho, wala akong oras makipag biruan sayo!" "Mona!" hiyaw ko. "Ano ba? Hi-" "Chippy.." Sabay kaming napalingon kay Pepe, ng sumulpot siya. "Anong pinagtatalunan ninyo?" tanong niya. Inirapan ko nga. Pansin ko lang palagi siyang epal.. i