Kabanata 40 Kabanata "Chippy, ibigay mo na 'tong inumin sa kanila, tapos na yata ang dessert." nagmamadaling utos ni Aing Yunis. Napairap ako habang kinukuha 'yon. Nakaka bwisit kasi, utos siya ng utos, bakit kaya hindi siya ang gumawa? Kanina pa kami rito ni Tilde na hindi magkandaugaga pabalik balik doon sa loob mapagsilbihan lang ang pamilyan yun, tapos siya dito nakatayo lang namn mando ng mando. Halos nananakit na nga ang mga paa ko kakalakad tapos susungitan pa niya, akala ba niya nakakatulong 'yon? Kanina ko pa talaga gusto umalis dito, tapos itong si Tilde naman, wala! Ayun, magana pa rin pinag sisilbihan ang pamilyang Royalties. Jusko, hindi ko n keri 'to, si Tilde kasi parang sanay na sanay na siya. Eh paano ako? Napapasod na ako agad. "Kailan ba matatapos 'to?" bulong ko