Kabanata 39 "Maligayang pagdating mahal na prinsipe!" sabay sabay na hiyaw nila Tilde ng huminto ito sa harap namin. Ngunit nahuli ako dahil nakatanga ako sa prinsipe kaya sumabay na lang ako sa pag yuko nila. "Maraming salamat sa pagbati." unang sabi nung prinsipe na nakangiti. "Ginang Yunis, maraming salamat din sa pag aayos ng handaan na 'to." aniya at inayos ang sash sa harap ng damit niya. napatingin ako kay Aling yunis. Ang mga tao sa kaniya kaniya nilang lamesa ay nakatunghay lang sa kanila aling yunis habang kinakausap ng prinsipe. Habang sila nag aantay lang na mapansin. Ngumiti si aling Yunis at tumango-tango. "Walang anuman, basta para sa'yo mahal na prinsipe." Naningkit ang mga mata nito habang nakangiti. "Sinabi ko naman na sayo na Francis na lang hindi ba? Hindi ko gust