kabanata 16

1128 Words
Kabanata 16 Papalubog na ang araw ng makabalik kami sa bahay nila Aling Nora. Medyo nagtagal ang usapan namin ni Artemio, dahil napakarami niyang kwento. Ang dami niya ri'ng hinaing sa buhay..at hindi lang naman tungkol sa lovelife ang pinag kwentuhan namin e, iba-iba. Naikwento niya na sa akin yung mga plano niya sa buhay. Yung mga gusto niya at yung mga pananaw niya sa nangyayari sa bansa ngayon. Ang dami niya nga'ng opinyon at gustong mangyari sa bansa, yung iba don ay hindi ako sang - ayon ngunit hindi na lang ako sumagot. Dahil naisip ko kasi na iba-iba naman tayo ng pinaniniwalaan at opinyon. So, hindi ko na lang babasagin ang trip niya. Matapang siya. Tingin ko nga dito, kaya niyang lumaban mag isa sa mga dayuhan dahil sa tindi ng galit niya sa mga ito. "Salamat ulit." sabi ko sa kanya pagkahatid niya sa akin. "Wala iyon, basta ikaw." sagot naman niya at binigyan na naman ako ng isang tingin na nakakailang. "O siya, ahm..umalis ka na. Alam ko na mahaba pa yung lalakbayin mo. Baka mamaya ay makasalubong ka pa ng dayuhan sa daan." "Ano naman? Hindi ako natatakot sa kanila." Ang tapang talaga. Jusko! Siguro kung nasa eskwelahan itong si Artemio, baka isa siya sa mga makaka suntukan ko. "Oo na. Ikaw na matapang. Sige na. Mag iingat ka ha.." tinutulak tulak ko pa siya palabas dahil may sinasabi pa siya. At napapagod na rin akong mag salita e. Baka pag sumagot ako ay mas lalo pang humaba ang istorya niya. Tama na sa akin yung kwentuhan namin kanina. Nakahinga ako ng maluwag ng makabalik na ako sa loob. Naabutan ko pa nga na tulog na si Gema sa sahig katabi ang kapatid niya. Hapon na kasi siguro ay napagod itong mga ito. Hindi ko rin alam kung anong oras na dahil wala naman silang orasan dito. Dinukot ko ang cellphone kong hindi nalolowbat. Alas singko na pala ng hapon. Kaya.. Speaking off.. Naupo ako sa isang upuan na kahoy na panglaba. Napansin ko lang, parang hindi nalolowbat ang cellphone ko. Kinalikot ko ito at mariing tinitigan. Kasi nung nakuha ko ito sa tabi ng balon ay 71% ito. Tapos hanggang ngayon, 71 % pa rin siya, samantalang ilang araw na ako dito at hindi ko tinatantanan ang paggamit dito ang galing lang, hindi siya nalolowbat! Laking pasalamat ko na rin dahil, walang kuryente dito, kung sakali man na malowbat ito ay wala akong sasaksakan ng charger. Buti na lang. Kinaumagahan ay gumising sa akin ang amoy ng kape. Ang tapang! Muli kong tinalukbong ang bag sa aking ulo. Parang ayaw ko pang tumayo at gustong mahiga na lang. Nakukulangan ako sa tulog ko dahil anong oras na kasi ako dinalaw ng antok. Samantalang alas siyete pa lang ay napaka tahimik na dito dahil tulog na ang lahat. Ewan ko ba sa body clock ko. Ilang sandali pa ay tumayo na rin ako. Nakakahiya naman na ang may ri ng bahay ay kanina pa gising tapos ako nakahilata pa. Hindi naman ganoon kakapal ang mukha ko. "Magandang umaga po!" bati ko sa kanila. Naabutan kong nagbabalat ng kamote si Gema sa lamesa habang si Aling Nora naman ay sinusubuan ang maliit niyang anak. "Oh, mabuti at gising ka na." ani ni Aling Nora. "Halika at mananghalian ka na." Nakagat ko ang labi ko sa sinabi niya. Well, medyo expected ko na rin kasi 'yon. Akala ko lang pala, umaga. Tanghali na pala. "Gema, abutan mo si Manay Chippy mo ng Kamote." sabi ni Aling nora sa anak pag kaupo sa tabi nila. "Ay, huwag na po. Busog pa po ako." sagot ko at humikab. "Ay ganon ba." ani ni Aling Nora. "May gagawin ka ba ngayong araw, Chippy?" ""Ah? Wala naman po, bakit?" "Ipapakisuyo ko lang sana na bantayan mo muna sila Gema, aalis kasi ako, susubukan kong magtinda sa bayan." "Ay..opo, okay. Walang problema. kailangan niyo po ng tulong?" sagot ko. "Wala naman. Paki tignan na lang ang mga aki.." "Okay po." Hindi naman nagtagal ay umalis na si Aling Nora. Naiwan sa akin si Gema at ang babay nilang si Agi. Well, wala na naman akong masyadong gaagwin e, nakapag saing na si Aling Nora, tanging pag babatay lang talaga. Wala ri'ng problema kay baby dahil tahimik naman, itong si Gema lang talaga.. Inaaya kasi siya ni Gallardo na ang laro sa labas. Kaya ang sinabi ko na lang na dito na lang sila sa harap ng bahay mag laro. Mabuti at pumayag sila. Kaya ngayon ay naglalaro sila ng mga sanga ng kahoy, palayuan sila ng mararating. Habang ako ay karga karga si baby na tulog ulit. Naalala ko lang yung panaginip ko kanina. Ang weird niya. Naka balik na daw ako sa present tapos may anak na ako, at may asawa pa! Grabe, nakakapag gising nga 'yon. Jusko, bago kasi ako makatulog kagabi ay iniisip ko ng iniisip yung mga napag usapan namin ni Artemio, hindi nawala sa utak ko 'yon. Kaya siguro nakatulugan ko na lang at nadala pa sa panaginip. Pero sa panaginip ko, hindi naman si Artemio yung lalaki. Medyo bago na ang suot nung lalaki. Naka slacks siya na brown at longsleeve. Hindi ko nga lang makita yung mukha niya, hindi ko na kasi maalala e. Pero ang weird talaga sa feeling..pakiramdam ko parang totoo talaga. Lalo na nung hinawakan niya ako sa mukha.. ramdam ko.. "Manay, digdi na si manoy artemio!" hiyaw ni Gema kaya napatingin ako sa tinitignan niya. "Ano?" sabi ko habang tinatanaw si Artemio na papalapit sa amin. Humikbi pa nga si Agi sa biglaan kong pag tayo. "Shhh.... tahan baby.." ani ko at sinayaw sayaw ko pa. "Anu'ng dara mo manoy?" salubong ni Gallardo sa kuya Artemio niya. May dala kasi itong sako. Hiindi ko rin alam kunga nong laman. "Orig." simpleng sagot niya. "Nagiyaw kamu ning orig?" tanong naman ni Gema. "Aawu." si Artemio. Ako naman ay nakakunot lang ang noo. Hindi ko sila naiintindihan. Nakita ko namang nakangiting inilapit iyon ni Artemio sa dalawa. "Muya ka?" Mabilis namang lumayo ang dalawa.. Na animoy nandidiri. "Habo ko hermano!" hiyaw ni Gema at tumakbo papunta sa akin at nagtago sa likod ko. Dun na na tumigil si Artemio sa ginagawa sa dalawa. "Maray na aldaw, Chippy.." aniya. Ngumiti naman ako. "Magandang araw din!" ngiti ko. Alam ko kasi ang meaning nun. Minsan ko na iyong naitanong kay Aling nora. "Kaginayon ng mahal ko!" aniya na napapailing pa. Ako naman ay napatingin kay Gema at Gallardo ng humagikhik ang mga ito. "Bakit?" tanong ko sa dalawa. "Daimo pag sabihun.." nangingiting singit naman ni Artemio. Parang instinct nagets ko yung sinabi ni Artemio. Parang wag sabihin ganon. Kaya nag kibit balikat na lang ako. Hindi na ako nagtanong pa. "Kumain ka na?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD