kabanata 17

862 Words
Kabanata 17. "Mag tagalog ka! Alam mo namang hindi ako nakakaintindi ng salita ninyo diba?" Inirapan ko si Artemio. Konting konti na lang ay masasaktan ko na siya. Kanina pa niya binibicol e, wala naman akong maintindihan. Nakakapag init ng ulo. Lalo pa at ngayon ay masakit ang braso ko dahil maghapon kong karga karga si Agi. Ayaw niya kasing magoalapag kanina.. Laking pasalamat ko nga dahil napatulog na siya ni gema nung bandang hapon na. Kaya kahit papaano ay napahingahan yung braso ko. Pero masakit pa rin siya oag ginagalaw. Nandito kami ni Artemio sa labas ng bahay ni Aling nora. Dumting na rin kasi si Aling nora kaya, ipapahinga ko na rin yung braso ko. "Dapat nga at masanay ka," natatawa pa niyang sagot. "Isa pa, ikaw lang ang tanging kakilala ko na hindi marunong mag salita ng lengguwahe natin dito sa albay." "Hindi naman kasi ako taga dito." sagot ko. Inabot ko sa kanya yung binalatan kong kamote. "Maniwala ka at sa hindi, wala akong ideya kung paano ako nakapunta dito sa lugar ninyo." Napatigil naman siya ss pagkain at tinignan ako. "Naalala ko nga na sinabi iyan ni Gema sa akin. Ngunit hindi naman ako naniwala dahil wala naman akong napapansin na kakaiba sa'yo, bukod sa hindi mo pag sasalita ng Lengguwahe namin. Ngunit paano ka napunta rito?" Nagkibit balikat na lang ako. "Hindi ko rin alam e. Hayaan mo na..huwag na lang natin pag usapan ang tungkol sa akin." "Maaari ba akong magtanong?" aniya. Tumango ako. "Oo naman. Ano 'yon?" "Kaya ba, hindi mo ako magawang mahalin dahil may nobyo ka sa lugar na pinanggalingan mo? May kabiyak?" Nanlaki ang mata ko sa tanong niya. Hindi ko mapigilan mapahalakhak.. Ano daw? Jusko, ni wala ngang nagtangka na lumapit sa akin noon dahil eyesore ako sa paningin nilang lahat, tapos nobyo pa? Siguro kung may lalapit man sa akin nun, ay ibubully lang ako, o kaya naman gagaguhin lang. Pero putang ina? Nobyo?! Aba'y ga! "Lalo kang gumaganda pag nangingiti ka." Linya niya na nagpatigil sa akin. Napailing ako. So uso na pala yung linya'ng yun matagal na? Jusko, pasong paso na pala yan! Hindibko akalain na maririnig ko yun.. Pero.. Nang tignan ko si Artemio ay may tumagos sa akin. Sincerity. Nakita ko 'yon sa mga mata niya. Hindi pa naman ako nasasabihan ng ganon sa tanang buhay ko, ngayon pa lang. Pero palagi ko 'yon naririnig. I just realize na.. kahit pala gaano ka luma ang mga salita, kahit pa nakakasawa na marinig, pero once na sabihin 'yon sayo ng isang tao na punong puno ng sinseridad ay talagang matatamaan ka pa rin. Tatagos at tatagos 'yon sa kung saan man pwedeng tumagos. "Salamat.." ngiti ko sa kanya. "Pero ang sagot doon sa tanong mo..wala akong nobyo." "Wala?" Tumango ako bilang sagot. "Ang ibig sabihin ay maaari mo rin akong mahalin?" "Oo naman." sagot ko. "Hindi ko lang alam kung kailan." "Kontento na ako sa sagot mo Chippy, masaya akong malaman na may pagkakataon pala ako sayo. At naiintindihan ko naman na hindi ganon kadali turuan ang puso mo na mahalin ako, tulad ng palagi ko'ng sinasabi sayo, maghihintay ako." "Hmm..pasensya na, hindi lang talaga ako sanay..pero gusto ko rin sabihin sa'yo na may nararamdaman ako sa'yo, pero hindi siya gaya ng nararamdaman mo, para masabi kong mahal nga kita.." Totoo 'yon. For me siguro infatuation lang to? Hindi ko pa kasi masabi dahil hindi ko naman alam kung paano magmahal, ang alam ko lang ay magkaroon ng crush. Mahilig kasi ako don nung kinder ako. Ngayon.. masasabi ko na higit pa sa crush si Artemio.. "Malaking bagay na 'yon. Huwag mong madaliin ang sarili mo." "Sana rin ay hindi ka mainip." "Hindi kailanman." Malalim na ang gabi at hindi pa rin ako makatulog. Bukod sa napaka dilim at walang elektrikpan ay hindi ko na alam ang iba pang dahilan. Hindi naman ako uminom ng kape kanina, kay hindi ko alam kung bakit ako hindi makatulog. Dinukot ko ang cellphone ko sa ilalim ng unan at nahiga ng pahiga. Pinatong ko rin ang akong baba sa aking braso. Sinubukan kong buksan ang data, magbabakasakali lang naman kung gagana. Kung hindi edi okay lang atleast sinubukan. Ang cellphone ngunit kahit ilang ulit na ay hindi pa rin ito gumana kaya binuksan ko na lang ang gallery. Napangiti ako ng makita ko ang picture namin ni Artemio sa mayon. Napaganda talaga nun. Sana nga lang ay hanggang sa makabalik ako sa buhay ko dati ay hindi mawala ang mga litrato na 'to. Kahit pa mahirap ang naging buhay dito ay ayos lang, dahil pinagaan naman 'yon ng mga nakuhanan ng camera ng cellphone na 'to. Ang buong akala ko kasi ay tanging mga puno lang at mga ulap ang makukuhan ng camera nito. Habang tinitignan ang mga litrato ay bigla na lang akong nakaramdam ng antok. Para akong dinuduyan at kinakantahan ng hangin.. Bumibigat ng mga talukap ng mata ko..animo'y hinihila ako sa kung saan.. Napapapikit na lang ang mga mata ko dahil don..kahit pa gaano ko pa gustong tignan ang iba pang litrato ay hindi ko na rin nagawa dahil wala na, nilamon na ako ng antok....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD