Kabanata 21
Pumasok kami sa isang open space. May stage sa unahan tapos lahat ng mga manggagawa ay ipon ipon lahat sa gitna, nakatayo.
Ano na naman kaya ito? Para saan ang meeting? Hindi na lang pauwiin e!
"Ayun sila Virgie," ani ni Oli sa gilid ko. Inirapan ko siya.
"Chippy!" hiyaw ni Virgie, paglingon niya sa amin. "Dito kayo!"
"Wala bang upuan?" tanong ko. Nakita ko naman na natawa si Ila.
"Itong si Chippy talaga, napaka reklamador mo..ano ka ba, saglit lang naman ang meeting na ito. Makakauwi ka na rin.."
"Para saan ba kasi ang meeting na 'to?" tanong ko na lang.
"Ipapakilala na kasi yung anak ng may-ari. Siya na kasi ang mamamahala sa atin dahil mag reretire na yung Papa niya." sagot ni Virgie.
"Ah, yung kaninang lalaki.."
"Hindi."
Mabilis akong napalingon kay Ila.
"Yung kaninang lalaki, si Romulo yun. Assisstant ni Sir Ariel. Si sir Ariel, yun yung anak ng may ari ng pabrika. Soya yung iapapakilala ngayon."
"Assisstant lang yung lalaki kanina?!" hindi makapaniwalang sabi ko. Samantalang kanina kung maka asta siya!
"Oo. Bakit?" natatawang tanong ni Virgie. "Gwapo no?"
,napaurong naman ako sa sinabi niya. Jusko, gwapo na yun? Matangkad lang naman, pero yung face, wala na.. Mukha nang luma. Malabo ata yung mata nito ni Virgie.
Nanag mag umpisa ang meeting ay nag umpisa rin yung antok ko. Kaya nga kahit na nakatayo ay napapaidlip ako sa balikat ni Virgie at ni Oli.
Hindi ko alam kung ano pinag uusapam nila. At isa pa wala naman din akong paki. And hindi rin naman nila makikita kung anong ginagawa ko ngayon, nasa pinaka dulo kasi kami. Bahala sila mag salita ng mag salita. Sobrang bigat na kasi ng talukap ng mata ko, kaya napapapikit talaga ako.
Kaya nang mag palakpakan sila ay napatalon ako sa gulat. Napahawak pa ako sa dibdib ko habang papikit pikit.
"Tapos na?" tanong ko sa kanila.
Inakbayan ako ni Ila. "Opo, maam. Tapos na.."
"Pwede na tayong umuwi?"
"Oo. Pero kailangan pa natin mag log out." sagot niya.
Dumiretso kami sa isang table sa loob ng Wrapping department. Ako na nga ang pinauna nila para daw hihintayin ko na lang sila sa labas pa uwi. Pumayag naman ako. At ang sabi naman ni Oli ay siya na daw ang kukuha ng iba ko pang gamit dati sa locker, na naiwan ko bago ako nag kasakit. Which is..palagay ko ay hindi akin.
Paano ako mag kakaroon ng gamit sa lugar na unang bese akong nakatapak? Hello! Ni hindi ko nga alam kung saan naka pwesto yung locker tapos magkakaroon ako ng gamit?
Nandito ako ngayon sa may parang waiting shed sa labas ng pabrika. Para siyang waiting shed pero yero yung nasa taas at kahoy ang upuan.
Ngumunguso nguso pa ako habang tinignan ang mga grupo na lumalabas sa gate..
Parang ang tagal yata nila Oli? Well.. Sabagay..baka kasi maraming tao ang nasa locker, nahirapan silang makapasok. Kanina kasi pag kapasok ko ay ang alam ko ay kakaunti lang ang tao, dahil kaunti lang ang nakita ko pag pasok. Tapos nung nasa meeting na nakita ko, napakarami palang empleyado dito. Jusko! Nakakalula. Malaki pala talaga ang pabrika na 'to. Hindi ko lang masyadong natignan kanina dahil nga nagmamadali na sila Oli.
Habang nag aabang ay biglang lumukot ang mukha ko ng makita ko yung lalaki kanina. Yung tinawag na Romulo ni Ila. Lumabas din sa gate.
Inirapan ko siya. Ang buong akala ko siya yung may ari nitong pabrika. Jusko, hindi naman pala siya yung boss, kung makaasta akala mo, daig pa yung anak ng amo. Ang yabang! Samantalang kanina, para naman siyang tuta sa tabi nung Totoo'ng amo.
Napataas ang kilay ko ng makita kong papunta siya sa pwesto ko. Ayaw ko man umurong pero napaurong ako dahil bahagyang naintimidate sa tangkad niya. Pakiramdam ko, pwedeng pwede niya akong tapakan anytime.
"Ano 'yon?" tanong ko. At napaatras konti.
Pero patuloy lang siiya sa paglapit at diretso lang ang mukha.
"Huy! Bakit ba?!"
Tumigil siya at inayos ang bagpack niya. "Anong ano ba?" malamig niyang sabi.
"Bakit ka nandito? Umalis ka nga!"
"Bakit? Nabili mo na 'tong pasilungan na 'to?"
Nakagat ko ang dila ko. Wala ng maisip na sabihin. "Hindi!"
Nilagpasan niya lang ako pag sabi ko nun. Sinundan ko siya ng tingin. At nakita kong lumuhod siya ng kaunti para ayusin yung sintas niya.
Hindi ko alam kung bakit ko siya tinitigan..
"Alam mo bang para akong isang ice cream.." aniya pagka tayo.
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Ano?"
"Matutunaw ako kung tititigan mo lang.."
"A..no?" naguguluhan sabi ko.
"Subukan mo akong dilaan,"
"At bakit naman kita didilaan?!"
"Para matikman mo.."
Nanlaki yung mata ko, hinampas ko siya ng hawak kong pamaypay. "Ang bastos mo!"
"Sino sa atin ang bastos?" harap niya sa akin. "Kung makatingin ka sa akin ay para mo na akong hinahalay,"
"Tingin lang yun!"
"Parehas lang din nang sa akin. Salita lang din ang ginawa ko,"
"Kahit na salita lang yun, kabastusan pa rin 'yong sinabi mo!"
"Paanong kabastusan?" aniya na tumaas pa ang kilay. "Ni hindi kita hinawakan. May isang metro din ang layo ko sayo. Yung pag titig mo kanina, hindi rin ba kabastusan ang tawag don?"
"Kalalaki mong tao, ang sensitive mo!"
"Ke babae o lalaki, pantay pantay lang. Ngayon kung ayaw mong gawin sayo ang isang bagay na ayaw mo, huwag mong gagawin sa kapwa mo. Na offend ka sa sinabi ko, at ako bilang lalaki, wala ba akong karapatan maoffend sa pagtitig mo?"
"Pero iba yun! Babae ako, lalaki ka!"
Tinagilid niya ang ulo at ngumisi. "You guys are asking for equality. Pero kapag tinuturing na kayong kapantay ng lalaki, na ooffend kayo. Ano ba talagang gusto niyo? Lagi ninyong dinadahilan ang 'Babae ako,' saan ba pwedeng ilagay ang equality na hinihinye ninyo? Para lang ba sa babae 'yon? Hindi applicable sa lalaki?"
"Ano bang sinasabi mo? Ang sinabi ko lang naman ay ang bastos ng bibig mo! Paano tayo napunta sa equality?" Naguguluhang tanong ko. Sa dami ng sinabi niya..
"Dahil nabastos din ako ng mata mo." aniya. At naglakad palayo pero nag salita pa rin ako.
"Feeling boss! Eh, assistant ka lang naman, in other words, katulong! Ang sama ng ugali mo!" hiyaw ko para talagang marinig niya. Wala na akong pakielam kung may makarinig pang iba.
Nakita kong napatigil siya sa pag lalakad.
Ang bilis na ng kabog ng dibdib ko at hinihingal na rin dahil sa pag sigaw.
Hindi nagtagal ay humarap siya. May bakas ng ngiti sa labi.
"Alam ko."
Sabi niya at tuluyan nang umalis.
Napatulala ako..
Ano yun?