kabanata 20

1271 Words
Kabanata 20 Hindi ko alam kung bakit pa ako sumunod dito sa opisina. Samantalang pwede naman na akong umuwi e. Wala namang mawawala sa akin. Nahuli ako ng boss na ibinalibag yung product nila, paglabag na agad sa rules nila yun. Kabastusan ba. Im sure.. Ang unang gagawin nila ay, tatanggalin ako. Hindi ko lang alam, naiisip ko kasi ngayon na baka may idadagdag pa siyang parusa sa akin? Ewan ko ba! Basta ang hirap mag isip! Nakakatamad mag isip! Lalo pa at nakakaantok. Hindi na ako kumatok pag punta ko doon, diretso pasok ako. Wala na.. Wala na talaga sa kaluluwa ko ang good moral, naiwan ko ata sa albay! Hindi ko rin alam kung saang lugar to. At wala na akong balak alamin. Wala na akong pake! Ang gusto ko na lang ay umuwi sa apartment at matulog! Napapagod kasi ako e. Wala naman akong ginagawa pero pagod na pagod yung katawan ko. Ako na lang ata yung tamad na pagod. Tumaas ang kilay ko pagkapasok. Bakante ang opisina. Nasaan siya? Wala naman kasing tao dito. Bakante ang upuan sa lamesa at wala naman siya sa paligid. Hmm..hindi kaya umuwi na din? "Wala ka talagang modo, ano?" biglang sabi ng kung sino sa likod ko. Halos mapatalon ako dahil don. Mabilis kong nilingon iyon at nakita kong siya 'yon. Yung kaninang lalaki. Ang tangkad! Jusko..naiimagine ko kapag inapakan niya, mabubuhay pa kaya ako? Siya yata yung original na Daddy Long Legs. "Uy, ikaw pala.." sabi ko. Nagsalubong naman yung kilay niya. "Hindi mo ba alam, na dapat bago ka pumasok sa isang kwarto, ay kailangan mo munang kumatok ng tatlong beses?" "Eh nasa labas ka naman, sino mag bubukas ng pinto?" tanong ko. Tinitigan lang niya ako. Tsaka ko narealize na.. Boss nga pala, 'to. "Ayy ganoon ba yun?" sarkastikong sabi ko at lumabas ulit ng opisina niya at sinarado ang pinto tsaka ako kumatok ng tatlong beses. "Sir, kumatok na po ako! Pwede na po bang pumasok diyan?" hiyaw ko mula sa labas. Napairap ako. hindi rin naman niya binubuksan ang pinto e. Ayaw ko naman pumasok na lang bigla, baka mamaya masabaihan na ako ng bastos. Ilang sandali akong naghintay ng sagot ngunit walang sumagot. See! Asan yung sagot niya? Kanina lang gusto niya akong kumatok, tapos ngayon wala naman siyang ginagawa! "Sir!" hiyaw ko at kakatok sana ako ulit ngunit, bumukas na ang pinto. "Yown!" napapalakpak pa ako ng isamg beses at pumasok na sa loob. "So, sir..bakit niyo po ako pinatawag?" Sinara niya muna ang pinto tsaka ako tinignan ng ilang segundo. Yung tingin na para akong isang exam sa math, na hindi niya masagutan dahil hindi niya alam yung solution. Tinaas taas ko yung kilay ko. At doon na siya bumuntong hininga at naglakad papunta sa table niya. Inayos pa niya yung longsleeve niya. Ako naman ay nauna nang maupo sa harap ng table niya. Napatigil pa nga siya saglit bago umupo na. Siguro isip isip niya na, napaka bastos ko. Eh ano naman? Isipin niya kung anong gusto niyang isipin e, sa nangangalay na ako e. "Ano pag uusapan natin, sir?" tanong ko kaagad sa kanya pagkaupo niya. Dahil sa totoo lang, higang higa na talaga yung likod. Pakiramdam ko nga para akong naglakad at nagtravel sa malayong lugar. Naupo siya ng diretso at pinaglapat niya ang kaniyang kamay sa ibabaw ng mesa. Mariin niya kong tinitignan na para bang hindi siya makapaniwala sa kung saan. Halos hugis bato na rin ang kanyang panga. Nakakatakot siya tignan ngayon sa totoo lang. Pero kasi mas nananaig yung antok ko. Kaya walang nakakatakot sa taong Antok. Mag sasalita na sana siya ngunit inunahan ko na siya. "Sisisantihin niyo na po ba ko, boss?" tanong ko at hindi mapigilan ang pag labas ng ngiti. Kasi kung sisisintahin niya ako, edi okay. At kapag pinauwi niya ako, mas lalong okay diba? Pabor sa kin yun. Makukuha ko yung gusto ko. Which is ang pahinga.. Kailangan ko ng pahinga!!!! Kaya hindi mawala ang ngiti sa labi ko, dahil sigurado akong tatanggalin na niya ako. Sa pinakita ko ba namang ugali ngayon.. "Sa lahat ng tao na nakilala ko, ikaw lang ang masaya na mawawalan ng trabaho." aniya "Hindi ko alam kung anong dahilan mo, ngunit..hindi ko ibibigay ang gusto mo." Mabilis na nawala ang ngiti ko. "Anong sabi mo?" "Makakabalik ka na sa pwesto mo." aniya at mabilis na tumayo at lumabas ng opisina. Napatayo ako. "Hoy! Sir!" Bumagsak na lang ang balikat ko ng tuluyan nang sumara ang pintuan. Bwiset! Wala na akong nagawa kung hindi ang bumalik sa pwesto ko kanina. Sinalubong ako ni Oli at Ila, "Ano ang nangyari, Chippy?" tanong agad ni Oli. Ako naman ay hindi sumagot at sumalampak sa sahig. Wala akong pakielam sa mga cornik na yan, inaantok ako! "Tinanggal ka ba sa trabaho?" segunda naman ni Ila. Napatingin ako sa kanya. "Buti nga sana kung ganon.." sagot ko. "Kaso hindi!" Nagtaka naman sila sa sinabi ko. "Ano ang ibig mong sabihin na hindi? Pinagalitan ka lang ganoon ba?" Para akong maamong tupa na tumango tango. Wala na, hindi ko na alam kung mabubuhay pa ba ako in the next three minites..sobrang antok na ko!! Nararamdaman ko na na humihiwalay na ang kaluluwa ko sa katawan ko! Nauna na siyang matulog! "Bakit ganyan ang hitsura mo? Hindi ba dapat ay masaya ka dahil hindi ka niya tinanggal sa trabaho? Ano ba ang nangyayari sa'yo? Masama na naman ba ng pakiramdam mo?" Sunod sunod na atanong ni Oli, kaya mas lalo akong nahihilo! "Mukhang masama ang pakiramdam niya. Magpahinga ka muna, Chippy. Tutal ay may 30 minutes break naman tayo." Mabilis akong napatayo dahil sa sinabi ni Ila. "May thirty minutes tayong break?" nanlalaking mata ko. Halatang nagulat siya sa inasta ko pero tumango pa rin. "Oo. Kaso bawal ang matulog sa loob ng pabrika. Baka mahuli ka na naman ng mga boss." "Sus! Hayaan mo yung mga boss! Anyways! Saan ako pwede umidlip? Kahit 10 minutes lang, Ila, Oli ay ayos na sa akin iyon." Ilang sandali ang katahimikan sa aming tatlo at tinignan lang nila ako, bago sila bumunyong hininga at tumango. "Sa canteen. Pwede ka umidlip doon." "Yes!!" Kahit bugnot na bugnot na ay pinilit kong tapusin yung mga cornik na nasa lamesa ko. Kahit pa nga kasi nakaidlip ako ay nakakaramdam pa rin ako ng antok. Bumabagsak bagsak pa rin ang mata ko. Mabuti nga at hindi ako natutumba, pasalamat na lang sa candy na binigay ni Oli, yung snow bear. Nagigising ang diwa ko kahit paano. Nililibot ko na lang yung paningin ko at tinitignan ang iba pang mga trabahador na maayos na ginagawa ang trabaho nila. May iilan na nag kukwentuhan pero nagagawa pa rin naman nila ng maayos ang trabaho. Napairap ako hindi ko alam kung bakit. Tamad na tamad at buryong buryo na. Ay sobrang pasasalamat ko. Ito na yung pinaka hihintay ko sa buong araw na to. Ang uwian. Thanks God! "Oli, uwian na?" tanong ko sa kaniya pagkalapit niya sa table ko. Umiling siya. Kumunot naman ang noo ko. "Alas quatro pa lang Chippy, Six pm ang uwian." "Eh, bakit tumunog yung bell?" "Iba yung bell nang uwian. Yung narinig mo kanina ang ibig sabihin nun ay mag dadaos ng meeting ngayon." "Meeting?" nakita ko naman na nagsisilabasan na yung mga tao. Walang dalang gamit. Hinawakan ni Oli yung kamay ko. "Saglit lang naman ito, Chippy. Kaunting oras lang naman at makakauwi na rin tayo. Kailangan natin makinig sa meeting. Halika na.." Nanghihina naman akong nagpatianod kay Oli sa paglabas. Bakit may ganito pa? "Bwesit may ganito pa? Uwing uwi na ako!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD