Kabanata 19
Kagabi ay naisipan ko na lumabas ng kwarto dahil nakaramdam ako ng gutom. Naabutan ko dun na kumakain si Ila.
"Hi," bati ko sa kanya. Tinignan ko yung kinakain niya. Galunggong na prito. At may sawsawan na toyo na amy sili at kalamansi.
"Chippy, nag hapunan ka na?" tanong niya. Umiling naman ako.
Nakita ko na kumuha siya ng plato galing doon sa bakal na puti na lalagyan ng plato na tinatakpan lang ng damit. Hindi ko alam kung anong tawag don e, hindi ko na naabutan pa na ginamit iyon sa bahay namin.
Inabot niya sa akin ang plato na sinandukan na rin niya ng kanin.
"Salamat,"
Kumuha ako ng isang piraso ng galunggong doon at mabilis na sinawsaw sa toyo. Epekto yata ito ng hindi pagkain sa buong araw kaya ganito ako kagutom. Feeling ko nga kya kong ubusin lahat ng nasa lamesa ngayon e. For sure, kukuha pa ako ng kanin.
"Maayos na ba ang pakiramdam mo?"
Napaangat ang tingin ko sa kanya. Muntik ko ng makalinutan na may kasama nga pala akong kumain. Sa sobrang sarap ng galunggong ay nakalimutan ko na.
"Oo..okay na ako." sagot ko at uminom ng tubig konti.
"Makakapasok ka na ng pabrika bukas?" tanong niya na ikinatigil ko.
"Pabrika?"
"Oo. Sa pabrika na pinapasukan natin nila Virgie. Hinahanap ka na kasi ng amo natin. Kulang na kasi sa tao, alam mo naman, kalakasan ngayon ng pabrika."
Nalunok ko lahat ng nasa bibig ko.
May trabaho ako?
Well.. siguro nga may trabaho ako. At isa pa nandito na ako, wala rin naman akong choice kung hindi gawin ang mga sinasabi nila.
Pero pwedeng pwede ko naman sabihin na, hindi talaga ako taga rito. Pwede kong sabihin na.. galing akong present o kasalukuyan, na hindi ko alam kung bakit ako napadpad dito at kung anong trip ng tadhana kung bakit ako dinadala sa kumg saan saan lugar.
Hindi ba niya alam na mas okay akong nasa bahay lang? Hindi ako lumalabas ng bahay namin tapos bigla na lang ganito? Para akong nag fifieldtrip na ako lang mag isa.
Gusto ko sanang tanungin kung anong trabaho namin sa pabrika na sinsabi niya pero pinigilan ko na lang. Baka kasi pag tinanong ko iyon ay isipin niya m nababaliw na ako.
Katulad ng mga reaksiyon nila Gema ng sinabi ko nung sinabi ko na hindi talaga ako taga kanila. Na napadpad lang ako ng tadhana. Natuto na ako no! May mga bagay talaga na hindi mo na dapat sabihin pa sa iba, pang sarili lang, ika nga. Tulad na lang nito, isipin mo sino ba naman ang maniniwala kapag sinabi kong time traveller ako? Miski sanggol na wala pang pag iisip ang sabihan ko ng nangyayari sa akin ay hindi rin mniniwala. Ganon ka imposible ang sitwasyon ko!
Kinaumagahan ay mas nauna pa nila akong gisingin kaysa sa pag tilaok ng manok.
Jusko, alas kwatro pa lang ay nakabihis na sila, kaya ng tignan nila akong tatlo ng sabay ay halos mahiya ako.
Hindi ko naman kasi alam na napakaaga pala ng pasok namin. At katangahan ko rin kasi hindi ko rin tinanong kay Ate Ila.
Kaya ngayon na nakabihis na sila ay wala na rin kong ngawa kung hindi ang magmadali. Sobrang madali na nakapag bihis ako in 5 minutes. Hindi na ako nagtanong pa. Basta ko na lang sinuot ang Dress ko na itim at ang rubber shoes kong maroon. Ikinawit ko rin ang backpack ko sa akin.
"Sorry po.." sabi ko pagkalabas ng pinto. Nakita ko naman na napatayo si Oli galing sa sofa. Sila Virgie naman ay napangiti at kinuha ang mga gamit.
Madilim at malamig ang simoy ng hangin ang sumasalubong sa amin habang naglalakad kami sa labas.
Nasa may unahan namin si Birgie at Ila, habang nasa kanan naman si Oli, katabi ko. May iilang din kaming kasabay na naglalakad, palagay ko ay papasok din sila sa mga kanya kanya nilang trabaho. Sininghot ko ang lamig ng hangin.
Ang galing.. Ngayon ko lamg na experience singhutin yung hangin sa kalsada. Dati kasi, hindi mo pa nasisinghot ay masakit na sa ilong at nakakaubo. Natawa naman ako sa naisip ko. Nilibot ko ang paningin ko. Nakakatuwa yung mga kabayo sa daan.. May iilan na sasakyan na dumadaan pero ayos lang dahil marahan lang naman ang pagpapatakbo nila. Wala sila sa karera.
Ang sarap ng ganitong buhay. Tahimik, kalmado lang at hindi mausok. Nakakakilig.
Ganito kalinis yung pangarap kong lugar. Ganito kaaliwalas at kakalmado. Akala ko hanggang panaginip lang ganito. Akala ko hindi ako makakalakad sa isang kalamado at malinis na kalsada.
"Nilalamig ka?"
Napalingon ako kay Oli na binibigay yung maong na jacket niya sa akin.
"Hindi. Ayos lang ako." sabi ko. Pero ang totoo ay nilalamig talaga ako. Sleeveless lang kasi itong dress na suot ko. Kaya nga nilugay ko yung buhok ko para kahit papaano ay may tumakip sa mga ito.
"Sigurado ka?" tanong pa niya. Nginitian ko siya at tumango na lang.
"Kamusta na ang pakiramdam mo?"
"Ako? Okay naman ako. Medyo..naninibago lang.." sagot ko.
"Normal lang naman iyang nararamdaman mo. Ilang buwan pa lang tayo sa trabaho at hindi ka pa sanay. Mamaya, pag sa trabaho at may hindi ka alam, magkatabi lang naman tayo ng lamesa, sa akin ka magtanong ha?"
At tulad nga ng inaasahan ko, nagkalat ako sa trabaho. Halos para akong kinder sa unang araw ng school, walang kaalam alam sa mga bagay. Ni hawakan ang plastic ang plastic ay hindi ko alam kung paano.
Ang trabaho kasi namin dito ay nagrerepack ng mga cornik. Ibabalot lang yung mga piraso ng cornik sa isang bandle tsaka isi-sealer. Pero ang problema nga ay hindi ko alam kung paano! Kanina ko pa halos gustong umiyak dahil sa hirap nito! Tapos ang init init pa! Wala pang upuan! Kanina pa nga ako tinititigan ng mga iba na nagtatrabaho, at nakikita kasi nila ang pag padyak ko sa tuwing kinakagat ako ng lamaok sa ilalim ng lamesa.
Ewan ko ba, hindi ko alam kung bakit ko ito ginagawa, wala naman akong kaalam alam dito e! Dengue lang makukuha ko rito.
"Chippy.." si Virgie ang tumawag. Nakasimangot ko siyang nilingon.
Nakita ko pang inayos niya yung hairnet na suot niya sa buhok. Well, maging ako nakasuot nun, lahat naman. May apron at mask pa nga.
"Bakit?" pabalang kong tanong.
Anong magagawa ko? Eh sa naasar naman talaga ako, kaya ayun yung lumalabas sa bibig ko. Pag badtrip ako, badtrip ako! Punyeta, gusto ko mambugbog!
"Pinapatawag ka ni Romulo sa opisina, kailangan mo mag back to work."
"Sino ba yun?"
"Secretary siya ni bossing. Kailangan mo rin kasing pumirma, na katunayan na babalik ka na nga sa trabaho."
Inirapan ko siya at sinubukan ulit na ilagay sa platic yung mga lintek na piraso ng cornik.. "Haay!" sa sobrang asar ko ay hindi mapigilan na naihagis ko yung hawak ko ng hindi iyon pumasok sa plastic..
"Bwisit!"
"Chippy! Bakit mo naman inihagis?!" natatarantang hiyaw ni Virgie tsaka dinampot yung hinagis ko.
Hindi ako sumagot at inirapan lang siya. Bakit hindi ko ihahagis? Ayaw niyang pumasok sa loob ng plastic, ibig sabihin gusto niya sa labas!
"Huwag mo'ng painitin ang ulo mo, Chippy!" aniya pa rin at patuloy na dinadampot ang mga 'yon. Ako naman ay sumandal na sa likod na lamesa dahil sa totoo lang, kanina pa nangangalay ang tuhod ko, nagsusumigaw na ang mga ugat ko.
Langya, gusto ko ng umuwi at mahiga! Pagod na pagod na ako!
"Virgie." ani ng isang boses.
Taas ang kilay kong nilingon 'yon.
Isang lalaki na matangkad. Moreno at makapal ang labi, na para sa akin ay sexy'ng tignan. Hmmm..
Naka suot siya ng isang t-shirt na puti at brown na slucks at itim na leather shoes. Nakatingin siya kay Virgie habang naka tago ang isa niyang kamay sa bulsa, at ang isa naman ay malaya lang na nakalaylay at may suot na gintong relo.
"Bitawan mo 'yan." aniya kay Virgie. "Hindi ikaw ang nag hagis niyan, kaya hindi mo dapat linisin ang kalat ng iba." pagkasabi niya nun ay mabilis na napadpad ang tingin niya sa akin.
Napa diretso ako ng tayo dahil don. Ang tulis ng mata niya at tiim ng bibig ang dahilan. Wait lang..
"Ikaw ang nag hagis, ikaw ang dumampot." sabi niya.
Rinig na rinig ko iyon dahil tumigil yata ang buong mundo at ang pabrika. Bigla na lang tumigil at tumahimik ang lahat.
Napatingin sa akin si Virgie at nginunguso na sundin ko ang sinabi nung lalaki. Inirapan ko siya at tumingin dun sa lalaki.
"Hindi ko hinagis, nabitawan ko." sabi ko bago damputin yung kanina'y hinagis ko.
"Tama. At sumasayaw ang tigre." tango niya. Pinagmasdan pa niya ako saglit.
"Pagkatapos mong damputin 'yan ay sumunod ka sa akin sa opisina." yun lang ang sinabi niya bago tumalikod.
Napanguso ako. Ano daw? Opisina? Siya ba yung boss? Opisina daw e..
Edi mas maganda, matatanggal ako sa trabaho, makakauwi ako ng maaga.
Mission accomplished diba.