MALAPIT na sila sa restaurant kung saan dapat sila mag-meeting ngunit biglang nag-ring phone ni Anya, at tinignan niya ito. "Boss, si Mr. Go," wika ni Aniya. "Give me your phone, I will answer him." Si Thumbler ang sumagot sa tawag dahil nagmamaneho si Anya. "Good morning Mr. Go. This is Thumbler Del Torre." Pakilala niya sa kabilang linya. "Mr. Del Torre, it's okay with you, tayo palit venue?" panimula ni Mr. Go. "Sure. Saan mo gusto?" pormal niyang tanong. "Dito na lang restaurant hotel, ako sama pakiramdam kaya hirap alis," turan ng Intsik sa kabilang linya. "Okay. We're coming, Mr. Go!" sang-ayon niya, dahil naintindihan nito ang kalagayan ng negosyante. "Thank you, Mr. Del Torre. Ako pa-reserve na vip room para sa ating meeting." "You're welcome! I got it!" Kinanse