TANGHALI ay tulog pa rin si Thumbler ayaw pa sana itong gisingin ni Anya ang boss niya ngunit naalala nito na hindi pa pala ito nag-almusal. Kaya napilitan siya na gisingin na lang ito. "Boss... boss, lunch-break na," pabulong na pagkasabi niya. "Uhmm... what time now?" tanong niya, pero nanatiling nakapikit pa rin ang mga mata nito. "It's twelve o'clock, boss." "Okay, magpa-deliver ka na lang at sabay na tayong mag-lunch," utos niya kay Anya. "Okay, boss." Tumayo si Anya at bumalik sa table niya at agad tumawag sa restaurant na madalas nilang binibilhan. Habang tumawag si Anya ay bumalik sa pagtulog si Thumbler. At hinayaan na muna ito ni Anya na matulog ito dahil pakiramdam talaga niya na pagod ito. Hanggang sa dumating ang kanilang order at saka niya muling ginising ang boss