NATAPOS ang selebrasyon at ng tanging naiwan sa sala ay silang apat lang ang naiwan. Habang ang dalawang sanggol ay nasa kuwarto at pansamantalang tinitingnan ng private caregiver. "Papa, Mama. Ipaalam ko sana sa inyo na gusto kong pormal na pakasalan ang aking asawa sa simbahan. Gusto ko sana siyang bigyan ng isang engrandeng kasal," pahayag ni Tumbler. Hindi agad sumagot si Lucio, bagkus tumingin siya sa anak na tulala at nakanganga dahil sa pagkabigla nito sa sinabi ng asawa niya. "Anak, ikaw ang magdesisyon sa suhestyon ng iyon asawa. Dahil kung ako ang tatanungin ay papayag ako sapagkat ito ang pangarap ko na makita kang lumakad sa harap ng altar," ani Lucio sa anak niya. "S-sigurado ka ba sa sinasabi mo? Baka nabigla ka lang dahil sa mga anak natin," tanong niya rito. "Sig

