Umupo si Sylvia sa tabi niya at hinaplos nito ang likod niya. "Aggie, baka nabigla o naguguluhan pa ang isip ni Thumbler ngayon. Malay natin sa kalaunan ay matutunan ka na niyang mahalin." Tila hinihimay ni Sylvia ang puso niya, upang maibsan ang kirot na nararamdaman nito. "Mas mabuti na rin siguro kung hindi niya ako matutunang mahalin, Nay Sylvia. At nang sa ganoon ay babalik na sa normal ang aming at ipagpatuloy namin ang aming mga buhay na kapiling ang mga taong totoo naming mahal. Siya kay Lovely, at ako kay Enchong... Ang lalaking unang nagpapatibok ng aking puso, at una kong minahal," mahabang paliwanag niya. Ang hindi alam ni Aggie na naupuan pala niya ang phone at accidentally na na-on ang voice record. Thumbler's POV Nagtataka si Anya, dahil laylay ang mga balikat ng boss

