INIWAN ni Thumbler si Lovely sa loob ng sasakyan at nagpunta siya sa likuran kung saan naka sunod ang kanyang driver. "Thumbler…" sigaw ni Lovely, na gustong pigilan ang lalaki. Ngunit hindi na siya pinakinggan nito at tuluyang sumakay sa sariling sasakyan at sa likod siya umupo. "Let's go!" utos niya sa drayber. Ang trabaho ng drayber niya ay sa bahay lang. Kung may mga importanteng bibilhin para sa bahay nila at kung mayroong emergency na mga lakad, tulad ngayon. Luhaan at laylay ang mga balikat ni Lovely na umakyat sa itaas ng unit niya. Hindi pa rin nito matanggap ang pag-uusap nila ni Thumbler at sa babae na sinasabi nitong asawa niya. "No, Thumbler! Hindi ako papayag na ang babaeng iyon ang magwawagi! Hindi ako papayag na magtatagal siya sa bahay mo. Ako dapat ang nakatira

