“Okay ka na ba? Hindi ka na ba galit sa akin?” tanong ni Daryl kay Lhianne matapos nitong kainin ang santol na binalatan niya. Hindi ito sumagot. Tiningnan lang siya sabay tayo saka umalis. “Sweetheart naman. Galit ka pa rin?” ani Daryl habang nakasunod sa asawa. Hindi pa rin siya nito pinansin. Dumiretso lang ito sa loob ng kuwarto saka pumasok sa banyo. Napa-face palm na lang si Daryl dahil doon. Hindi niya akalain na magagalit ang asawa dahil lang sa santol. But still, he understand Lhianne kasi dala marahil ito ng pagbubuntis nito. Base na rin kasi sa mga nababasa niya, natural sa isang buntis ang pagiging matampuhin o iyong madali sumama ang loob kaya hangga’t maari ay iniiwasan rin niya ang mga bagay na ikakagalit ng asawa. Nang marinig ang pagragasa ng tubig mula sa b