Nang makauwi sa condo si Daryl, naabutan niyang nakahiga sa sofa ang asawa’t mahimbing na natutulog. Napapailing na lang siya dahil nakatulog pala ito sa kakahintay sa kanya. Nilapitan niya ito at bahagyang yumuko saka hinalikan sa noo. Pagkatapos ay dinala na sa kitchen ang pinamili niya’t inilagay sa mesa ngunit napakunot noo siya nang makita ang mga pagkain na naroon. “Um-order siya ng KFC?” sabi niya habang isa-isang tiningnan ang mga inorder ni Lhianne. “Kumain na ba siya? Baka nga kumain siya,” aniya saka muling bumalik sa living room. Umupo siya sa single sofa sa bandang paanan ng asawa. At dahil sa pagod kakaikot sa palengke ay isinandal niya ang likod sa sandalan ng sofa. Na-relax naman siya ng kaunti dahil doon. Maya-maya pa ay napalingon siya sa gawi ni Lhianne. Ang himbin