“Bakit dito ka tumuloy? Bakit hindi ka umuwi sa bahay ninyo?” agad na tanong ni Andrea sa kaibigan pagkapasok na pagkapasok pa lang niya sa townhouse unit nito. “Lalo lang akong mahihirapan kapag doon ako manatili. Mas okay na dito na muna ako mag-stay at gusto kong tumanggap ulit ng kaso para mas malibang ako,” malungkot na sabi ni Lhianne sabay upo sa malambot na sofa. “Magtatrabaho ka sa kalagayan mong iyan? Nakakalimutang mo bang buntis ka? Tingnan mo nga iyang sarili mo. Pumayat ka na, kumakain ka pa ba ng maayos, ha?” puno ng pag-aalalang tanong ni Andrea. Ang laki kasi ng pinayat ng kaibigan niya. Nagi-guilty rin siya dahil wala siya sa tabi nito noong kailangan siya ng kaibigan dahil naging busy rin kasi siya sa boutique niya. “I’m fine, d