Two days after Daryl woke up from comma ay lumabas na ito ng ospital. Maaga pa lang ay nag-aya na itong lumabas ng ospital dahil maayos na rin naman lahat ng result ng mga test nito. Hindi ito tumuloy sa bahay na nilipatan nila ni Lhianne kun’di sa condo nito nagpahatid. Wala namang nagawa si Lhianne dahil iyon ang gusto ng asawa. Inintindi na lamang niya ang kagustuhan ng asawa at umasa na lamang siya na sa madaling panahon, babalik din ang alaala nito. Lumabas sila na si Brenda lang ang kasama umuwi dahil may importanteng lakad ang mga kapatid ni Daryl at ang mommy naman ng asawa ay inaalagaan ang biyenan niyang lalaki. “Sigurado ka bang dito ka muna? Puwede ka naman doon sa bagong bahay natin para mas maasikaso kita,” ani Lhianne. “No need. Kaya ko ang sarili ko