Nasundan lang nang tingin ni Daryl si Lhianne. Pagkapasok sa kuwarto ay tahimik lang itong umupo sa single sofa. Hindi ito umiimik ngunit panaka-naka itong napapatingin sa kanya. Hindi nagtagal ay nagpaalam na ang kapatid niya at ang mommy naman niya ay umuwi na para ang ama naman niya ang aasikasuhin dahil hindi pa ito fully recovered simula lumabas ng ospital. Pagkaalis ng mommy at kapatid niya, silang dalawa na lang ni Lhianne ang naiwan. Hindi niya ito pinansin. Humiga siyang muli saka akma na sana niya itong talikuran ng magsalita ito. “Hindi mo ba talaga ako naaalala?” masuyong tanong ni Lhianne sa kanya. Umiling lang siya bilang tugon. “Sigurado ka ba?” muling tanong nito. “Ilang beses ko bang sasabihin na hindi?” pasupladong sagot niya. “I’m sorr