"Hah!" Napamulat si Lhianne. " D—Daryl! Anong ginagawa mo rito?" mulagat na wika niya nang makita itong nakaupo sa gilid ng kama at nakatitig sa kanya. "P—paano kang nakapasok-” natigil sa iba pang sasabihin si Lhianne sa sumunod na kilos niya. Kinabig siya palapit ni Daryl sabay lapat ng mga labi sa mga labi niya. "H—huwag! A—ano ba? Bitiwan –“ Malakas si Daryl, hindi siya makapalag nang lalo pang humigpit ang yakap sa kanya, habang sapo ng isang palad ang kanyang batok para hindi niya mailayo ang bibig sa bibig nito. Ilang sandali pang naglapat ang mga labi nila. Hindi! Hindi! Sigaw ng kanyang isip, hindi lang dahil lumalalim na ang halik nito at hindi siya makapalag, kundi nagugulat siya sa reaksiyon ng sariling katawan. Oo nga at hindi niya inaasahan ang halik na iyon mula sa lal