Kinabukasan, naunang nagising si Lhianne. Napatingin siya sa katabi na mahimbing pa ring natutulog habang nakayakap ang isang braso sa baywang niya. Napangiti siya. Sino ba naman ang mag-aakalang hahantong sila sa ganito? Sa tindi ng galit niya kay Daryl noon ay halos isumpa niyang mamatay na lang ito. Dala na rin ng galit rito ay hindi na niya pinagtuunan ang tunay na damdamin para sa kababata. Naalala niya noong umalis sila sa San Carlos. Nadestino kasi sa ibang lugar ang daddy nila dahilan para lumipat sila. Kahit pa nalungkot ay wala naman siya magagawa dahil hindi naman siya puwedeng maiwan. Simula noon ay puro aral na lang ang ginawa ng dalaga. Bahay school bahay lang siya. Walang gimik o kahit pa makipag-boyfriend ay hindi niya binigyang pansin. Hanggang sa makatapos siya at naging