Pagkatapos kumain, naisipan ng dalawa manood ng movie. Nasa living room sila at parehong nakaupo sa carpet habang nakasandal sa mahabang sofa. “Bakit nga pala kayo umalis sa San Carlos?” tanong ni Daryl habang ang mga mata ay nakatuon sa monitor ng tv. “Nalipat kasi ng site si dad kaya kailangan naming lumipat.” “Engineer ba ang dad mo?” “Yes, civil engineer si dad at nalipat siya rito sa Makati at nagkataon rin na nakabili ng bahay ang parents ko rito kaya lumipat na kami.” “Kung alam ko lang na dito kayo lumipat edi sana hindi na ako sapilitang nag-asawa.” “Alam mo? Lahat naman ng nangyayari sa buhay natin ay may dahilan. Kaya siguro hindi tayo nagtagpo agad dahil siguro may mga bagay o pangyayari muna sa buhay natin